South Australia, nagtaas ng alerto matapos magkaroon muli ng COVID-19 outbreak

Nagtaas ng alerto ngayon ang mga otoridad sa South Australia matapos na magkaroon muli ng COVID-19 outbreak makaraan ang ilang buwan.

Ayon sa mga opisyal sa South Australia, nasa delikadong kalagayan muli ang kanilang sitwasyon matapos na makapagtala ng 17 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan huli nila itong naitala noong buwan ng Abril.

Kinumpirma mismo ni South Australia’s Chief Health Officer Nicola Spurrier na nagsimula ang pagkalat ng virus sa isa sa mga staff ng isang hotel na itinalagang quarantine site sa Adelaide.


Napag-alaman na dahil sa insidente nagkaroon ng hawaan sa pamilya nito maging sa ilan nitong kamag-anak at dahil dito, ipinag-utos na ang pagsasara ng mga eskwelahan at mga pamilihan habang nagsasagawa na rin ng contact tracing.

Facebook Comments