SOUTH CENTRAL SCHOOL, BUMALIK NA SAFACE-TO FACE CLASSES SA KINDEGARTEN

Cauayan City, Isabela- Nakabalik na ang mga mag-aaral ng Cauayan South Central School lalo na ang mga nasa preschool na nag-umpisa pa noong March 7, taong kasalukuyan.

Bago makapasok ang mga mag-aaral, ay kailangan muna nilang dumaan sa mga panuntunan tulad ng pag-i-scan ng health guard at registration sa logbook.

Kukuhanan din sila ng body temperature at hahanapan ng vaccination card lalo na sa kanilang mga guardian o magulang.

May washing area din na nakalagay malapit sa gate at doon maghuhugas ng kamay ang bawat papasok.

Masaya naman at malaking tulong sa parte ng mga magulang ang pagbabalik ng kanilang mga anak sa paaralan para maituro sa kanila ng maayos ang kanilang mga subject o lesson.

Una nang nagsagawa kaninang umaga ng meeting ang mga magulang at guro sa pangunguna ng kanilang principal.

Bakas naman sa mukha ng bawat mag-aaral ang kanilang tuwa dahil sa kanilang face to face classes.

Samantala, sa susunod na linggo ay nakatakda namang mag-umpisa ng face to face classes ang mga nasa grade 1 hanggang grades 6.

Facebook Comments