South China Sea Code of Conduct talks sa bansa, tuloy sa Agosto ayon sa DFA

Magpapatuloy na sa susunod na buwan ang Code of Conduct Talks sa Pilipinas kaugnay sa negosasyon ng mga bansa sa Southeast Asia at China patungkol sa South China Sea.

Sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) conference sa Indonesia, malugod na tinanggap ni Department Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, ang pagkumpleto ng ikalawang pagbasa ng COC Single Draft Negotiating Text at sinabing inaasahan ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng mga pag-uusap sa dokumento sa Agosto.

Nanawagan din si Manalo para sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa Timog-silangang Asya at Beijing, at dapat tiyakin na hindi mababawasan ang banta sa kapayapaan at seguridad.


Naglabas din ang ASEAN at China ng pahayag na muling nagpapatibay sa kanilang pangako na pabilisin ang pag-uusap sa matagal nang naantala na COC.

Matatandaang inaangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea, kung saan trilyong dolyar ng internasyonal na kalakalan ang dumadaan taon-taon.

Kabilang din ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan sa may mga claims sa nasabing karagatan.

Facebook Comments