South Cotabato Police Provincial Office, hinihintay na lang ang kautusan sa PNP higher headquarters para ipasara ang mga naglilipanang easy money investment scheme

Koronadal City, hinihintay na lang ni Police Colonel Joel Limson, Police Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office ang kautusan galing sa PNP higher headquarters na magiging gabay nila sa pagpapatupad ng batas upang maipasara ang mga naglilipanang easy money investment scheme sa Lalawigan at mga katabing lugar.

 

Ayon pa sa opisyal, ngayong  may utos na si Presidente Rodrigo Duterte kaylangan umano nila itong aksyunan dahil noong nakaraang utos ay galing umano sa DILG at LGU ang naatasang magpapatupad ng nasabing utos.

 

Dagdag pa ni Colonel Limson, dadaan lahat sa proseso ang kanilang gagawin na tatalima sa nakasaad sa Guidance ng PNP National Headquartes.


 

Maalaalang mahigit labingdalawang investment scheme sa Lalawigan ang natuklasan na walang kaukulang business permit ang nag-ooperate sa tatlong bayan  ng South Cotabato.

Facebook Comments