Tutulong na rin ang South Korea at America para sa paglulunsad ng eco-waste management center sa lungsod ng Parañaque at Maynila.
Ang nasabing proyekto ay magtatatag ng dalawang eco-waste center sa Brgy. 128 sa Manila at sa Brgy. San Dionisio sa Parañaque.
Ito’y upang mapabuti ang solid waste management, bawasan ang dependency sa landfill, at bawasan ang polusyon sa Manila Bay at sa mga kalapit lugar.
Kinikilala ng Korean na ang mga plastic ay pandaigdigang alalahanin na dapat solusyunan ng mga bansa.
Kung maalala ang proyektong ito ay bahagi ng on-going $8.2 million na enhance of marine Manila Bay project na ipinatutupad ng DENR at US Agency for International Development.
Facebook Comments