Kinumpirma ng Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) na nakapasok na sa kanilang bansa ang new variant ng Coronavirus mula sa United Kingdom.
Ayon sa KDCA, ito ay matapos pumasok sa kanilang bansa ang tatlong biyahero mula sa London noong December 22.
Samantala, nagpositibo rin sa new Coronavirus variant ang mag-asawa mula sa isang probinsya sa Canada.
Nabatid na walang travel history, exposure o high-risk contact ang dalawa kaya’t nagpaalala ang mga health officials ng Canada sa kanilang mga residente na manatili lamang sa kanilang tahanan at patuloy na sundin ang ipinapatupad na health protocols.
Facebook Comments