South Korea- Kasunod ng intercontinental ballistic missile test ng North Korea, binibilisan na ngayon ng South Korea na i-deploy ang kanilang US missile defense system.
Ito ang inihayag ni Seoul Defense Minister Song Young-Moo sa kabila ng protesta mula sa bansang China.
Ayon kay Song, aarangkada rin umano ang “strategic assets” ng US military papuntang south kasunod ng missile test ng Pyongyang noong Biyernes.
Ang ilan sa Thaad Defense System ay dinala na sa South Korea sa ilalim ng napatalsik na pangulo na si Park Geun-Hye pero itinigil ito ng bagong leader na si Moon Jae-In noong nakaraang buwan.
Sa ngayon ay gusto muna nilang ikonsulta ang pag-deploy ng ilan pang natitirang parte ng Thaad Defense System.
Facebook Comments