Dumating na sa bansa ang 950 metric tons ng bigas na ipinagkaloob ng South Korean Government para sa mga naging biktima ng kalamidad noong nakalipas na taon.
Magbebenepisyo dito ang mga sinalanta ng malakas na lindol sa North Cotabato at Davao del Sur at iba pang lugar sa regions 11 at12, at mga biktima ng pagbaha sa Cagayan Valley.
Nagpasalamat naman si Agriculture Secretary William Dar sa Pangulo ng Republic of Korea sa kanilang kabutihang-loob sa pagtulong sa mga Pilipino.
Sinabi ng kalihim na ang rice donation ay bahagi ng emergency food assistance ng Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ng South Korea.
Ayon naman kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, nasa mga warehouse na ng NFA sa General Santos at Manila ang mga donasyong bigas.
Nakatakda ng iturn over ito sa Department of Social Welfare and Development para ipamahagi sa mga naapektuhang pamilya sa Regions 11 at 12 at Cagayan Valley.