South Korea, nag-donate ng 950 metric tons ng bigas sa Pilipinas para sa mga naging biktima ng kalamidad

23277

Dumating na sa bansa ang 950 metric tons ng bigas na ipinagkaloob ng South Korean Government para sa mga naging biktima ng kalamidad noong nakalipas na taon.

Magbebenepisyo   dito ang mga sinalanta ng malakas na lindol sa North Cotabato at Davao del Sur at iba pang lugar sa regions 11 at12, at mga biktima ng pagbaha sa   Cagayan Valley.


Nagpasalamat naman si Agriculture Secretary William Dar sa Pangulo ng Republic of Korea sa kanilang kabutihang-loob sa pagtulong sa mga Pilipino.

Sinabi ng kalihim na ang rice donation ay bahagi  ng emergency food assistance ng  Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ng South Korea.

Ayon naman kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, nasa mga warehouse na ng NFA sa General Santos at Manila ang mga donasyong bigas.

Nakatakda ng  iturn over ito sa  Department of Social Welfare and Development  para ipamahagi  sa mga naapektuhang  pamilya sa Regions 11 at 12  at Cagayan Valley.

Facebook Comments