South Korea, nagsagawa ng live fire exercise matapos ang hydrogen bomb test ng NoKor

World – Nagsagawa ngayon ng emergency session ang United Nations Security Council matapos ang inilunsad na hydrogen bomb test ng North Korea kahapon.

Sentro ng pagpupulong ang magiging aksyon ng UN sa ginawa ng NoKor.

Samantala, nagsagawa naman ang South Korea ng live-fire exercise kaninang umaga kung saan nagpakawala ito ng surface-to-surface ballistic missiles at nagpalipad ang F-15k fighter jets mula sa East Coast.


Ito ay para lampasan ng mas malayo ang target ng nuclear test ng North Korea.

Facebook Comments