Mas papadaliin na ng South Korea ang proseso ng pagkuha ng visa para sa mga Pilipinong nais bumisita doon.
Ayon kay Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, layon nitong ng paigtingin ang ugnayan ng South Korea at Pilipinas.
Aniya, sa travel agency ang pag-a-apply imbes na pumila pa sa embassy.
Proof of employment na lang aniya ang kailangang ipasa ng mga kuwalipikadong propesyonal at nagta-trabaho sa gobyerno.
Sabi pa ni Han, dodoblehin din ang bubuksang scholarship para sa mga Pinoy na gustong mag-aral sa Korea.
Kasabay nito, tiniyak rin ni Han na magdadala naman ang Korean Embassy ng mas maraming Koreanong turista sa Pilipinas.
Facebook Comments