Nagpahayag ng suporta ang South Korea sa Pilipinas sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa South China Sea.
Ayon kay South Korean President Yoon Suk Yeol, tulad ng Pilipinas ay pinahahalagahan din nila ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa South China Sea na isang critical sea lane of communication sa rehiyon.
Dahil dito, makikipagtulungan aniya sila para sa pagtataguyod ng international law sa karagatan, kaakibat ng mas maigting na strategic cooperation.
Dagdag pa ni President Yoon, sa ilalim ng nilagdaang kasunduan sa maritime cooperation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Korea Coast Guard (KCG), ipatutupad ang maritime security sa paglaban sa transnational crime, pagpapalitan ng impormasyon, at pagsasagawa ng search and rescue missions.