Nag-courtesy call sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga opisyal ng South Korean Embassy sa Pilipinas.
Ito ay para personal na magpasalamat sa pagkupkop ng CAAP sa mahigit 200 na pasaherong Koreano na sakay ng nag-emergency landing na Vietjet flight noong July 2.
Ang naturang eroplano ay patungo sana ng Vietnam mula South Korea nang magdesisyon ang piloto nito na mag-emergency landing sa Laoag International Airport makaraang magkaroon ng technical problem ang aircraft.
Agad naman na inalalayan ng mga tauhan ng CAAP sa Laoag ang mga apektadong pasahero.
Ayon sa CAAP, ang naturang courtesy call ay patunay lamang ng matibay na relasyon ng Pilipinas at South Korea.
Facebook Comments