Nagkaloob ng karagdagang 1,400 metric tons ng bigas ang South Korea sa bansa para sa mga sinalanta ng sunod-sunod na bagyo noong nakalipas na taon.
Ang donasyong bigas ay sa pamamagitan ng Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ng Korea sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve Tier 3 (APTERR) Tier Program.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kabuuang 400 Metric tons ng bigas ay inilaan para mga affected communities sa Mindanao habang ang 1,000 MT ay para sa Luzon typhoon victims.
Kabilang ang mga pamilya sa Catanduanes na grabeng sinalanta ng bagyo ang benepisyaryo ng donasyong bigas.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang DA sa bigay na tulong ng South Korean government.
Sa panig ng National Food Authority (NFA) tiniyak nito ang mahusay na pamamahagi ng donasyon ng bigas sa mga intended beneficiaries.
Ang rice donation mula sa South Korean government ay pangalawa na una ay noong April 2020 na ipinamahagi sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao at sa mga sinalanta ni Bagyong Quiel sa Cagayan Valley.