SOUTH KOREA – Nakahanda ng bumaba sa puwesto si South Korean President Park Geun-Hye pagsapit ng April 2017Ayon kay Park, tatanggapin niya ang panukala ng kaniyang partido na magbitiw sa puwestoIto’y makaraang masangkot ang pangulo sa iskandalo kung saan ginamit umano ng mga dating aides nito ang pagiging malapit sa kanya para impluwensiyahan ang affairs ng bansa.Tatanggapin din ni Park ang resulta ng impeachment vote laban sa kanya ngayong linggo pero sakaling ma-impeach ay hindi ito bababa sa puwesto ngayon.Ginawa ni Park ang anunsyo matapos nitong makipagpulong sa mga lider ng kaniyang partido.
Facebook Comments