South Upi Contigents kampyon sa Shariff Kabunsuan Festival

Tinanghal na kampyon ang delagado mula Looy Integrated Technical Vocational High School (LTVHS) ng South Upi sa Maguindanao sa katatapos lamang na Kuyog Street Dancing at Showdown Competition .

Namayagpag ang mga taga South Upi na inirepresenta ang kanilang Sulagad Festival , mula sa iba pang mga partisipante na nangmumula sa mga bayan ng Datu Piang, Sultan Mastura, Datu Odin Sinsuat, Upi at Cotabato City .

Tinanggap ng mga delegado mula LTVHS ang 195K cash.


Samantala 1st runner up naman ang mga partisipante mula Kibucay National High School ng Upi , na nakapag-uwi ng 150K at 2nd runner up naman ang mga taga Laboratory High School ng Cotabato City na nag-uwi ng 100K .

Hindi naman umuwing luhaan ang iba pang mga partisipante

Isinagawa ang aktibidad sa Cotabato City State Polytechnic College (CCSPC) ground.

Ang Kuyog ay isa lamang sa highlights sa nagpapatuloy na 22nd Shariff Kabunsuan Festival sa Cotabato City .
Pic: Trixy Odoc: Sulagad Festival

Facebook Comments