Manila, Philippines – Itinaas ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang red alert status sa tropa ng militar sa Bicol region.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – nakaalerto ngayon ang 100% ng lahat ng kanilang units sa Southern Luzon command.
Kasunod na rin ito ng tumataas na banta matapos utusan ng Communist Party of the Philippines ang New People’s Army na atakihin ang gobyerno sa kabila ng pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.
Isa rin sa dahilan aniya ang nagpapatuloy na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa Mindanao.
Kamakailan ay umatras ang gobyerno sa ika-limang round ng peace talks sa National Democratic Front of the Philippines dahil sa naturang utos ng CPP sa NPA.
DZXL558
Facebook Comments