Southern Philippines Medical Center sa Davao, nakatanggap na rin ng mga donasyon na medical equipments

Sa harap ng medical crisis ngayon dahil sa COVID-19, nagbigay na rin ng mga donasyong medical supplies at equipment ang Bureau of Customs sa Davao.

Kabilang sa mga donasyon ng BOC-Davao sa Southern Philippines Medical Center ay mga wheelchair, bedside at operating tables, dialysis chairs, medical trolleys at crutches, pharmaceutical refrigerator at sterilizer.

Pinangunahan ni BOC Davao District Collector Atty. Erastus Austria ang delivery ng walong container van na naglalaman ng mga nasabing medical equipment.


Ayon kay Austria, sa harap ng global pandemic ay nakahanda ang BOC Davao sa pagtulong sa mga frontliners lalo na sa mga health workers, volunteers at Local Government Units (LGUs).

Tiniyak din ng opisyal ang full operation ng BOC sa kabila ng naka skeletal ang kanilang mga tauhan para matiyak ang mabilis na pag-re-release ng mga mahahalagang medical supply at equipment na kailangan sa mga ospital.

Ayon pa kay Austria, sa ngayon ay walang naka-pending na shipment ng emergency o relief goods sa Port of Davao.

Facebook Comments