Manila, Philippines – Dahil narin sa inaasahang kaliwa’t kanang kilos protesta kasunod ng National Day of Protest kasabay sa ika-45 taong paggunita ng deklarasyon ng batas militar ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Tiniyak ng pamunuan ng Southern Police District na may sapat na bilang sila ng mga pulis na ipakakalat para magbantay at magbigay ng seguridad.
Ayon kay SPD District Director Thomas Apolinario, sa ngayon ay may nag iikot narin silang mobil patrol sa mga lugar na posibleng pagdausan din ng mga demonstrasyon sa southern part ng Metro Manila.
Siniguro pa ni Apolinario na kung may makita man silang pagtitipon-tipon ay agad silang magpapadala ng tauhan.
Kabilang sa mga lugar na minomonitor ng SPD ay ang Muntinlupa at Baclaran na madalas ding pagdausan ng mga kilos protesta.
Kasunod nito tiniyak ng SPD na tatalima sila sa utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na pairalin ang maximum tolerance.