Ilagan City, Isabela – Agaw pansin ang mga display na souvenir items na gawa sa papel at plastic materials sa district jail ng BJMP Ilagan City, isabela.
Ayon kay J/Insp. Jose Bangug Jr, warden ng nasabing piitan, patok umano sa mga dumadalaw at mga bisita nila ang mga produktong naka display na gawa ng mga bilanggo dahil sa ganda at husay ng pagkakalikha
Masaya din ang nasabing opisyal sapagkat kahit papaano ay kumikita ang mga bilanggo at nagagawa nilang tustusan ang mga pamgangailangan ng kani-kanilang mga pamilya.
Dati ay mga bilanggo ang binibigyan ng pera ng kanilang mga kamag anak o pamilya na dumadalaw sa piitan subalit ngayon ay baliktad na dahil nagagawa na nilang kumita at matustusan ang kanilang mga kapamilya matapos ang mga ito sa ibat-ibang pagsasanay.
Sabi pa ng warden na patuloy ang pagdami ng mga bumibili at mayroon na rin umanong mga umoorder sa mga display items na makikita sa nasabing kulungan.
Sa mga nais bumili ay makipag ugnayan lang sa BJMP Ilagan para sa anumang order kung saan ang mga produkto ng mga bilanggo ay mabibili sa halagang 300 pesos hanggang isang libong piso depende sa klase nito.