Sovereign rights ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, patuloy na isusulong – Malakanyang

Nanindigan ang malakanyang na patuloy na isusulong ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng ulat na hinarang at ginamitan ng water canon ng Chinese Coast Guard ang dalawang barko ng bansa, na magsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Nobyembre 16.

Ayon kay Cabinet Secretary at Acting Spokesperson Karlo Nograles, mananatili pa rin ang posisyon ng Pilipinas para ipaglaban ang mga teritoryo ng bansa.


Kinilala naman ni Nograles ang mabilis ang aksiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at agad na kinondena ang naturang insidente.

Sa ngayon, itutuloy pa rin ang resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Pagtitiyak ni National Security Adviser at National Task Force for the West Philippine Sea Chairperson Hermogenes Esperon, babalik sa Ayungin Shoal ang mga magdadala ng supply.

Naka-standby naman na pwersa Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para ipatupad ang batas ng Pilipinas sa karagatang sakop ng bansa.

Facebook Comments