Sovereign Wealth Fund, napahapyawan ni PBBM sa inihandang Country Strategy Dialogue ng World Economic Forum para sa Pilipinas

Patuloy na inilalatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng potential investors sa Switzerland ang iba’t ibang paraan na ginawa at ginagawa pa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng pagnenegosyo at pamumuhunan sa bansa, mapa-lokal o foreign investors man.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa inihandang Country Strategy Dialogue ng World Economic Forum (WEF) para sa Pilipinas, binanggit ng pangulo ang isinusulong na Sovereign Wealth Fund na magiging kauna-unahang investment fund ng bansa sa oras na maisabatas.

Aniya ang investment fund na ito ay isa lamang sa maraming instrumentong gagamitin ng pamahalaan, para sa pag-diversify ng financial portfolio ng bansa.


Sinabi ng pangulo na kabilang rin sa mga effort na ito ang mga kasalukuyan nang institusyon na nagsusulong ng investment sa bansa na lilikha ng stable returns at trabaho, magpapaigting ng serbisyong publiko at magpapababa ng gastos ng economic activities.

Facebook Comments