SP Chiz Escudero, hinamon ng isang lider ng kamara na pangalanan ang nasa likod ng demotion job laban sa kanya

Hinamon ni House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno si Senate President Francis “Chiz” Escudero na pangalanan ang sinabi nitong taga-Kamara na nasa likod ng demolition job laban sa kanya.

Ayon kay Puno, hindi maganda ang blanket o sweeping statement ni Escudero dahil lahat silang mga kongresista ay nadadamay sa akusasyon.

Mainam para kay Puno kung babanggitin ng direkta ni Escudero kung sino ang kanyang tinutukoy para magkasagutan o magkaayos na sila.

Hinikayat din ni Puno si Escudero na huwag magpaapekto sa mga ingay sa online at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang mga substansyal na akusasyon.

Facebook Comments