
Nanawagan si Senate President Chiz Escudero sa lahat ng mga senador na isantabi ang political divisions at magtulungan para sa iisang layunin ng pamahalaan.
Sa muling pagkakaupo ni Escudero na lider ng Senado, hinimok ng Senate President ang mga mambabatas na tutukan ang mga problema tulad ng pagpapababa ng cost of living, pagpapahusay ng healthcare, edukasyon, paglikha ng trabaho, at pagtatatag ng pundasyon sa parehong pisikal at legal na titiyak na ang bawat Pilipino ay may pakinabang sa pagunlad ng bansa.
Hinikayat din ni Escudero ang mga kasamahan na itaguyod ang institutional duty ng may kahinahunan at solusyon.
Iginiit ni Escudero na hindi sila kailanman yuyukod at magpapadaig sa nais ng karamihan.
Nanindigan din ang senador na itataguyod din nila kung ano ang tama at nararapat at kung ano ang naaayon sa rule of law at sa Konstitusyon.
Binigyang-diin pa ng Bicolano senator ang kahalagahan ng pagpapanatili ng democratic debate at katwiran ng mambabatas, lahat naman ay may monopolya ng magandang ideya, intensyon at plano para sa bansa.









