Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na matagal na ang imbitasyon na dinner ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa palasyo ng Malacañang na ginanap noong isang gabi.
Sa naganap na salo-salo sa Malacañang, 12 senador ang pumunta.
Ayon kay Escudero, regular itong ginagawa ng pangulo at sa katunayan ay hindi siya nakapunta sa dalawang naunang imbitasyon.
Wala aniyang kinalaman sa timing ng change of leadership ang dinner dahil dalawa o tatlong linggo na silang nakatanggap ng imbitasyon para dito.
Casual at tamang socials lamang ang gang naganap na hapunan at hindi aniya napag-usapan dito ang pagpapalit sa liderato ng Senado.
Binati naman aniya siya ng pangulo sa pagkakatalaga sa kanya ng senador bilang Senate president.