
Kumpyansa si Senator Joel Villanueva na makukuha ni Senate President Chiz Escudero ang majority vote para maging Senate President ng 20th Congress.
Ayon kay Villanueva, aabot na sa “atleast” 13 ang bilang ng mga senador ang boboto kay Escudero sa pagka-Senate President at kung ngayon mangyayari ang botohan ay tiyak makukuha ni SP Chiz ang posisyon.
Inamin ni Villanueva na marami siyang nakausap na senador kasama na pati ang mga incoming senators ng susunod na kongreso na nagpahayag na suporta kay Escudero.
Sa tingin pa ng mambabatas, hihigit pa sa 13 ang bilang ng mga senador na susuporta kay Escudero pero depende pa rin aniya ito sa kalalabasan ng botohan at kung hindi magbabago ang isip ng mga mambabatas.
Nilinaw ni Villanueva na walang pinapaikot na resolusyon para lumagda ang mga senador ng suporta pero naguusap-usap naman silang mga mambabatas.









