SP Chiz, naniniwalang hindi na kailangang mag-convene ang impeachment court para desisyunan ang naging ruling ng Supreme Court sa impeachment ni VP Sara

Courtesy: Chiz Escudero Facebook page

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na hindi na kailangang mag-convene ng impeachment court para pagdesisyunan ang magiging aksyon tungkol sa ruling ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Escudero, maliwanag ang desisyon ng Korte Suprema na ang impeachment complaint laban kay VP Duterte ay “null and void ab initio” o “null and void from the beginning” dahil nilabag dito ang due process kaya naman sa simula pa lang ay walang hurisdiksyon dito ang Senate impeachment court.

Dahil walang hurisdiksyon ang impeachment court na dinggin ang articles of impeachment, sa tingin ng senador ay mas “safe” at mas mainam na gawin sa plenaryo ang pagpapasya ng Senado kaugnay sa susunod na hakbang sa naging desisyon ng Supreme Court.

Posible aniya kasing masilip sila na lumalabag sa pag-convene sa impeachment court matapos ang ruling ng Korte Suprema kung magko-convene sila gayong sinasabi na nga ng Kataas-taasang Hukuman na wala silang hurisdiksyon.

Gayunman, depende pa rin sa mayorya ang magiging desisyon sa impeachment case kung kailangan pa ba nilang mag-convene o hindi.

Facebook Comments