SP Juan Miguel Zubiri, nanawagan ng pagtaas sa sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor

Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri na itaas na ang ‘minimum wage’ ng mga empleyado sa pribadong sektor.

Ginawa ng senador ang panawagan matapos ianunsyo ang mga dagdag na insentibong ipinagkaloob sa mga kawani ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Zubiri, sumusuporta siya para itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa private sector.


Paliwanag ni Zubiri, ang ‘minimum wage’ ay hindi na maituturing na ‘living wage’ ibig sabihin ay mas mataas na ang halaga ng kasalukuyang pamumuhay ng publiko at hindi sapat ang kasalukuyang minimum na sweldo para magkaroon ng disenteng pamumuhay.

Aniya, dahil bitin sa mga manggagawa ang minimum wage, panahon na para tulungan ng pribadong sektor ang mga kababayan at madagdagan ang sahod ng mga empleyado lalo’t tumataas ang inflation at marami na ang nahihirapan sa mataas na presyo ng mga serbisyo at bilihin.

Sa Senado ay itinaas sa P50,000 mula sa P12,200 ang inflation assistance sa mga kawani nito, P50,000 din sa medical assistance mula sa P30,000 at dagdag na P30,000 sa bawat taong serbisyo para sa mga empleyado ng Mataas na Kapulungan na magreretiro.

Facebook Comments