Cauayan City, Isabela- Sumasailalim sa 14-days mandatory home quarantine si Sangguniang Panlungsod Member Atty. Paul Mauricio matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga kaanak nito na kasama niya sa bahay.
Ayon kay SP Member Mauricio, asymptomatic o walang nararamdamang anumang sintomas ng virus ang kanyang kaanak subalit pinayuhan pa rin siya ng City Health Office na sumailalim sa quarantine upang masigurong ligtas ito sa banta ng naturang sakit.
Posible umanong nakuha ang virus matapos samahan ng opisyal ang kanyang kaanak sa isang pribadong hospital upang magpasuri dahil sa iniindang sakit sa ulo.
Sinabi pa ni Mauricio na nasa maayos naman siyang kalagayan subalit susundin pa rin ang minimum health standard gaya ng strict home quarantine.
Matatandaang sumailalim na ang opisyal at kaanak nito sa halos magkasunod na swab test nitong nakalipas na linggo hanggang sa napag-alaman na positibo sa virus ang kanyang kaanak.
Photos: Atty. Paul Mauricio/fb page