SP MINORITY NG SP DAGUPAN, IPINAHAYAG ANG SALOOBIN UKOL SA PAG-APRUBA NG ANNUAL BUDGET

Ipinahayag ng SP Minority Block ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang kanilang saloobin ukol sa hanggang ngayong nagpapatuloy na pag-apruba pa lamang ng annual budget para sa taong 2023 ng lungsod.
Matatandaan na noong June 5 ay dineklara ng DBM ang pag-disapprove ng ipinasang appropriations ordinance na higit 800M dahil nakitaan umano ng violations ng batas at budgeting regulations.
Kasunod nito ay inapruba ng Local Development Council ang muling pagsumite ng 1.3B na halaga ng budget sa Sangguniang Panlungsod.
Tinalakay din ang ilang mga programa at proyektong nakalaan para sa mga Dagupeño na apektado sa hindi pa natatapos na usapin ukol sa pag-apruba ng nasabing budget.
Isa ang mga napapanahong mga flood mitigation projects, pagpapatayo ng mga school infrastructures projects sa ilalim ng Special Education Fund na maaari ring maging relocation site para sa mga evacuees sa panahon ng mga kalamidad.
Binigyang diin ni Coun.Canto ang kahalagahan ng health sector partikular ang programa ng DILG na The First 1000 Days na may layong makatulong sa child development ng mga bata.
Kaugnay naman sa pagdeklara ng DBM na inoperative ang budget ay hindi raw umano usual ang ganitong sitwasyon sa isang lungsod o munisipalidad.
Hiling ng SP Minority ang pakikiisa ng bawat isa upang maisakatuparan na ang mga pending na mga programa at proyekto na bebenipisyo sa mga Dagupeño.
Dagdag pa ng mga ito na iset aside raw muna ang personal interest at ang political colors.
Facebook Comments