Dagupan City – Masusing tinitignan at pinag-aaralan ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod ang pag-sundo sa mga residente ng lungsod na identified bilang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa COVID-19. Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Konsehal Joey Tamayo, binahagi nitong nagpag-uusapan na sa plenaryo ang tulong na ipapaabot ng lungsod sa mga dagupenyong mag-nanais makauwi.
Sa kabilang banda, binigyang diin naman ni Tamayo na masusi ang pag-aaral nila sa usaping ito lalo na’t nakataya ang kalusugan ng bawat mamamayan ng lungsod sa maaaring epekto ng magiging pinal nilang hakbang. Matatandaang isa ito sa mga siniguro ng pangulong tulong ng gobyerno sa mamamayang gusto ng umuwi ng kani-kanilang probinsiya na dadaan sa IATF guidelines.