SP Sotto, bumuwelta sa paninisi ni Cayetano sa mga aberya sa SEA Games

Manila, Philippines – Dumipensa si Senate President Tito Sotto III sa paninisi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Senado sa mga nararanasang aberya sa SEA Games.

Kasunod ito ng pahayag ni Cayetano at 1-Pacman Partylist Representative Mikee Romero na ang nararanasang aberya ay bunsod ng delay na pagkakapasa ng 2019 National Budget na kagagawan umano ng Senado.

Giit ni Sotto, atrasado ang naging preparasyon sa SEA Games kaya maraming aberya.


Katunayan, 2015 pa napili ang Pilipinas bilang host ng SEA Games kaya noon pa dapat ito napaghandaan.

Dagdag pa ng senador, hindi pondo ang isyu dahil may anim na bilyong pisong budget na ipinasa ang Kongreso para sa SEA Games.

Gayunpaman, umapela si Sotto na iwasan muna ang sisihan hanggang sa matapos ang SEA Games.

Facebook Comments