SP Sotto, kakausapin si PRRD kaugnay sa kakulangan ng Bahay Pag-asa

Manila, Philippines – Balak na ni Senate President Tito Sotto III na hingin ang tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang kakulangan ng Bahay Pag-asa na kung saan ipinapasok ang mga kabataan na nakagawa o nasangkot sa krimen.

Ayon kay Sotto, balak niyang kausapin ang Pangulo maging sina Budget Secretary Benjamin Diokno at Senator Panfilo Lacson na chairman ng Senate Committee on Public Order.

Aniya, tiwala siyang malulutas ng gobyerno ang kakulangan ng Bahay Pag-asa.


Batay sa panukalang 2019 national budget, may isang bilyong pisong inilaan para sa pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa.

Pero giit ni Sotto, hindi klaro sa inaprubahang batas kung paano ito ipapatupad at kung sino ang mangangasiwa sa pagpapatayo.

Facebook Comments