Tuesday, February 3, 2026

SP Sotto, kinumpirmang may kumausap kay Sen. Loren Legarda para kunin ang Senate presidency

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na inalok kay Senator Loren Legarda ang Senate presidency ng mga nagtangkang i-kudeta ang liderato.

Ayon kay Sotto, sinabi sa kanya mismo ni Legarda na inalok siya na mag-Senate president mula sa grupo ng minorya.

Gayunman, hindi naman tinanggap ni Legarda ang alok dahil hindi siya interesado.

Samantala, hindi naman nagkomento si Legarda tungkol sa alok sa kanya mula sa oposisyon na tumakbong Senate president.

Aniya, marami at araw-araw naman ay may kumakausap sa kanya at pag-iisipan niya ang tanong ng media dahil nabasa niya ito sa balita.

Samantala, tinawag naman ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na hindi lang malisyoso kundi sadistic na rin ang pagpapalutang na si Legarda ang nagre-recruit sa mga kapwa senador para sa magiging bagong majority bloc.

Facebook Comments