
Pag-aaralan na ni Senate President Tito Sotto III ang mga ethics complaint na ihinain sa Senado laban kay Senator Ronald Bato dela Rosa dahil sa halos apat na buwan na nitong pagliban sa kanyang tungkulin.
Para kay Sotto, panahon na para mapag-usapan at linawin ang rules ng Senado para sa maaaring ipataw na kaparusahan sa mga senador na matagal na panahon na a-absent sa trabaho.
Aminado ang Senate President na sa ngayon ay wala silang magawa dahil sa kawalan pa ng rules para sa mga senador na matagal na absent sa Senado.
Ang tanging malinaw lamang ngayon ay maaari nilang tanggalin sa komite ang isang senador na hindi dumadalo sa mga pagdinig.
Dagdag pa rito, ipinarating ni Sotto sa anak ni Dela Rosa ang mungkahi na huwag munang tumanggap ng sweldo ang kanyang ama pero wala pang tugon dito kaya sa ngayon ay tuloy pa rin ang sahod ng mambabatas.










