
Dudulog sa Korte Suprema ang ilang abogado upang hilingin na ipa-contempt si Senate President Vicente “Tito” Sotto III dahil sa mga pahayag nito kaugnay ng desisyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, isinasapinal pa nila ang ihahaing complaint at nakatakda silang magpulong sa Huwebes upang talakayin ang detalye nito.
Hindi naman binanggit ni Topacio kung sinu-sino pa ang makakasama niya bilang mga petitioner.
Nauna nang binatikos ni Sotto ang ruling na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment proceedings laban kay VP Sara, kung saan iginiit niyang panghihimasok umano sa kapangyarihan ng lehislatibo ang ginawa ng Korte Suprema.
Ayon sa mga abogado, lumagpas na umano sa saklaw ng simpleng opinyon ang ilang pahayag ni Sotto at maituturing na kawalan ng paggalang sa Kataas-taasang Hukuman.










