SP Sotto, positibong mag-iibayo pa ang tiwala ng publiko sa kanila Senado

Manila, Philippines – Buo ang pag-asa ni Senate President Tito Sotto III na sa mga susunod na buwan ay muling aangat ang tiwala ng publiko sa Mataas na Kapulungan.

Pahayag ito ni Sotto, makaraang mabawasan ang satisfaction rating na nakuha ng Senado, Kamara at gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Naniniwala si Sotto na posibleng rason nito sa panig ng Senado ay dahil natapat ang survey sa mga panahong matindi at matagal ang kanilang debate sa mga malalaking usapin tulad sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BOL).


Hindi rin ipinagtataka ni Sotto na mag- ‘roller coaster’ o minsang umaakyat at minsang bumababa ang resulta ng mga survey.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Sotto na patuloy na gagawin ng mabuti ng Senado ang trabaho nito at mas magsisipag din sila para mas marami ang kanilang maaksyunang panukalang batas na kailangan ng mamamayan.

Facebook Comments