
Kumpyansa si Senate President Tito Sotto III na makakatulog siya ng mahimbing dahil sa matatag na suporta sa kanya ng mayorya sa kabila ng naging pagtatangka ng minorya na palitan siya sa pwesto.
Ayon kay Sotto, nakatitiyak ang lahat na hindi siya kapit-tuko sa pwesto.
Iginiit ng senador na ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho, lumalakad siya ng matuwid at hindi niya lalamangan ang taumbayan.
Sakali man aniyang gustuhin na ng mga myembro ng Senado ng ibang lider, nakahanda siyang bumaba sa pwesto.
Aminado si Sotto na hindi madali ang pagiging Senate President dahil hindi lang naman sa 23 senador ang kanyang kausap kundi in-charge rin siya sa libo-libong empleyado at mga problemang kinakaharap dito.
Facebook Comments










