
Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na wala pa siyang natatanggap na resignation mula kay Senate President pro-tempore Ping Lacson na magbibitiw na bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Sotto, plano ni Lacson na gawin ang pormal na pagbibitiw bilang chairman ng Blue Ribbon sa sesyon ng plenaryo.
Gayunman, mula ngayong araw hanggang sa darating na Miyerkules ay wala munang sesyon ang Senado bilang pagbibigay daan sa mga budget hearings.
Sa October 10 o sa Biyernes ng umaga sila magsesesyon bago ang nakatakdang break para sa Undas.
Gayunman, sa mga susunod na araw ay sinabi ni Sotto na pag-uusapan nila sa caucus ang tungkol sa resignation ni Lacson at kung sino ang posibleng italaga nilang bagong chairman ng Blue Ribbon Committee
Ikinalulungkot naman ni Sotto ang pagbibitiw ni Lacson dahil naging maayos ang paghawak nito sa imbestigasyon sa flood control anomalies.









