SP Tito Sotto III, tiwalang walang majority member ang kakalas ngayon sa kaniyang liderato; loyalty check sa mayorya, hindi na kailangan

Malaki ang tiwala ni Senate President Tito Sotto III na wala sa mga miyembro ng mayorya ang kakalas sa ilalim ng kaniyang liderato.

Kaugnay na rin ito sa umuugong na balitang may panibagong banta ng kudeta laban sa pamunuan ni Sotto.

Ayon kay Sotto, nagkakausap naman sila ng mga miyembro ng mayorya at hindi na kailangan ng loyalty check sa mga ito.

Duda naman ang Senate president na posibleng isang political group o mula sa labas ang nasa likod ng umuugong na isyu ng panibagong kudeta laban sa kanya.

Nagkausap aniya sila ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at sinabi sa kanya na wala naman itong kinakausap na kahit na sino sa mga senador patungkol sa pagbabago ng Senate leadership.

Umapela naman si Sotto sa mga senador na hindi dapat makaapekto sa kanilang trabaho ang isyung ito lalo’t nakatutok sila ngayon sa pagtalakay sa budget.

Facebook Comments