Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay sa mga kumakalat na black propaganda at fake news sa pamamagitan ng text messages upang sirain ang integridad ng mga personalidad o grupo.
Ayon kay Sotto dapat umanong gampanan ng NTC ang kanilang kapangyarihan laban sa mga kompanya ng telekomunikasyon at atasang imbestigahan ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Kinuwestyon din ni Sotto kung papaano nakuha ng mga grupo ang phone numbers at nakakalabas ng text scams sa pamamagitan ng iba’t ibang telcos.
Nagtataka lang ang senador kung bakit paulit-ulit na lang nangyayari ang ganito .
Umapela rin si Sotto sa NTC na mabilisang aksyunan at alamin kung paanong mapapahinto ang pagkalat ng mga text scam at text propaganda.