SPACE EXPLORATION | Bagong planet-hunting spacecraft, inilunsad ng NASA

Florida – Naglunsad ng bagong planet-hunting spacecraft ang National Aeronautics and Space Administration o NASA.

Pinangunahan ng Space X Falcon 9 Rocket ang paglulunsad ng Transisting Exoplanet Survey Satellite (TESS) mula cape Canaveral, Florida kagabi.

Layon nito na makahanap ng pinakamalapit at pinakamakinang na bituin na senyales umano na may mga planetang umiikot dito kung saan pwedeng mabuhay ang mga tao.


Inaasahang aabot sa 20,000 mga planeta ang madidiskubre ng TESS kasama ang mahigit 50 earth-sized planets at 500 planetang dalawang beses na mas maliit sa Earth.

Facebook Comments