South Korea – Isang kakaibang kompetisyon ang idinadaos sa South Korea kung saan sa loob ng isa’t kalahating oras ay walang ibang gagawin ang mga kalahok kundi umupo lamang.
Tinatawag ang kompetisiyong ito na “space out competition” na nagbabawal sa mga kalahok na gumawa ng kahit ano.
Bawal ang pagkain at pag-inom, pagtawa o pag-ngiti, paggamit ng cellphone at ang pagtingin sa kanilang mga relo ay ipinagbabawal sa kompetisyong ito.
Ia-anunsyo ang tatlong panalong kalahok sa tulong ng boto ng magmumula sa audience.
Magiging basehan rin sa pagkapanalo ang contestant na mapapanatiling stable ang heart rate hanggang matapos ang kumpetisyon, na mino-monitor mga doktor kada labing limang minuto.
Ayon sa organizer ng kompetisyong ito binuo ang space out competition upang mailayo sila sa laging paggamit ng gadget at sa labis na pagtatrabaho.
Layunin din nito na makapa-relax ang mga kalahok at makalimutan nila ang kanilang busy life sa loob ng isa’t kalahating oras.