Binaklas ng Wire Clearing Group sa Bayambang ang spaghetti wires o mga nakalaylay na kable ng kuryente sa mga pangunahing kakalsadahan.
Katuwang ang telecom providers,muling sinuyod ng grupo ang bawat poste upang isaayos ang mga wire upang maiwasan na maging sanhi ng aksidente o disgrasya sa mga dumaraan.
Nitong Biyernes, muling nagsagawa ng paglilinis sa bahagi ng Poblacion hanggang highway patungong Barangay Telbang.
Matatandaan, na naunang isinagawa ang pagbabaklas noong Mayo matapos ang kapansin- pansing mabababang wires na posibleng hindi mapansin ng mga residente at motorista.
Bukod dito, ilang umiiral na lokal ordinansa ang mahigpit na ipinatutupad tulad ng truck ban, paggamit ng videoke, at curfew sa mga menor de edad upang mapanatili ang kaayusan at disiplina sa buong bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









