‘SPAGHETTI WIRINGS’ SA CALASIAO, PATULOY NA INAAYOS

Patuloy ang isinasagawang malawakang cleanup operation ng mga nakabiting kable o tinatawag na ‘spaghetti wirings’, gayundin ang pagtanggal ng mga lumang poste sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa alkalde, layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang aksidente, masiguro ang kaligtasan ng publiko, at mapanatili ang kaayusan ng mga lansangan.

Sakop ng operasyon ang Calasiao–San Carlos Road mula Villamil Bridge hanggang Intersection, pati na ang mga kalsada sa Barangay Lasip, Barangay Gabon mula AMCO hanggang Gabon Bridge, Poblacion Area, at ang rutang Barangay Nalsian hanggang Barangay Ambonao.

Ayon sa pamahalaang lokal, tuloy-tuloy ang mga isinasagawang hakbang para sa isang mas maaliwalas, mas ligtas, at mas maayos na Calasiao.

Facebook Comments