SPD, all set na sa gagawing seguridad sa mga aktibidad ngayong holiday season

Tiniyak ng Southern Police District (SPD) ang mahigpit na paglalatag ng seguridad sa mga aktibidad ngayong ka-Paskuhan.

Partikular ang pagsasagawa ng Simbang Gabi sa December 16, 2025 dahil sa inaasahang pagdagsa ng publiko.

Ayon sa SPD, bukod sa mga simbahan, nakatutok rin sila sa mga malls, pasyalan at terminal.

Nakabantay rin sila sa mga Christmas bazaar at mga pamilihan para maiwasan ang anomang mga krimen na madalas na nangyayari kapag holiday season.

Mas lalo rin nilang paiigtingin ang police visibility upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Tatagal naman hanggang January 6, 2026 ang inilatag nilang seguridad.

Facebook Comments