SPD, magde-deploy ng mahigit 800 tauhan sa SONA ni PBBM

Magpapakalat ang Southern Police District (SPD) ng mahigit 800 tauhan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito, sumailalim na sa pagsasanay ang mga pulis ng SPD na ide-deploy sa SONA.

Partikular na sumailalim ang mga tauhan ng SPD sa civil disturbance management operations refresher course.


Layon nito na matiyak na mapoprotektahan ang publiko sa inaasahang mga kilos-protesta sa SONA ng pangulo.

Facebook Comments