Friday, January 30, 2026

SPD, sinisilip na rin ang posibilidad na hindi lang isa ang pumatay kay Mollenido at sa 8 year old na anak nito

Sinisilip na ng Southern Police District (SPD) ang posibilidad na hindi lang isa ang pumatay kay Mollenido at 8-anyos nitong anak.

Ayon pa kay SPD spokesperson Lt. Margaret Panaga Panaga, marami silang tinitingnan na anggulo sa pagpatay.

Aniya, nagsilbing middleman sa pagbebenta ng sasakyan ng pinatay na lady cop ang inaanak nito sa kasal na dating car agent, ang isa sa mga Person of Interest (POI) sa krimen.

Pinaghahanap pa rin nila ang babaeng ex-agent na huling nakasama ng 38-anyos na si Police Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido.

Inaalam na rin aniya nila kung kanino ang mga bakas ng dugo na natagpuan sa bahay ng POI.

Ito’y matapos matagpuan ang mga bangkay ng mag-ina sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan at Tarlac.

Sumasailalim na sa autopsy ang bangkay ng bata para alamin ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang dating mister ng biktima na isa ring pulis at itinuturing ding POI.

Facebook Comments