SPD, tinutugis na ang nasa likod ng pagdukot sa apat na Chinese national sa Pasay City

Tiniyak ng pamunuan ng Southern Police District na hindi sila titigil sa masusing imbestigasyon upang matunton kung sinu-sino ang mga nasa likod ng pagdukot sa apat na Chinese national na na-rescue ng mga operatiba ng Parañaque City Police ng magsagawa ng follow-up operation sa isang gusali sa Sen. Gil Puyat Avenue Ext. corner Macapagal Blvd J.W. Diokno Blvd., Pasay City,.

Kinilala ang mga nailigtas na sina Qin Zhong Liang, 30 anyos, Lu Qin Peng, 36 anyos, Zhuang Zhi Heng, 28 anyos, at Zhu Quiri, 30 anyos kapwa lahat ay pawang mga encoders.

Base sa report, nagpasaklolo ang asawa at kasintahan ng mga biktima na sina Shiera Mae Zhu y Brioso, 28 anyos at Rhoda Grace Ebon, 29 anyos sa tanggapan ng Parañaque City at humiling ng police assistance kaugnay sa umano’y illegal detention ng kanilang mga mahal sa buhay.


Agad na nagsagawa ng follow up operation ang mga operatiba ng Parañaque City Police station na nagresulta sa pagkaka-rescue sa mga biktima.

Facebook Comments