Speaker Allan Velasco, nababahala na sa patuloy na red-tagging sa mga miyembro ng Kamara

Dumipensa na rin si House Speaker Lord Allan Velasco sa patuloy na red-tagging sa mga miyembro ng Kamara.

Ayon kay Velasco, nababahala siya sa patuloy na red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., sa mga kongresista mula sa MAKABAYAN Bloc.

Aniya, dahil sa red-tagging ay inilalagay sa alanganing sitwasyon ang buhay ng mga mambabatas.


Iginiit ng Speaker na bilang lider ng Mababang Kapulungan, tungkulin niyang protektahan ang mga House members sa anumang posibleng panganib na dulot ng mga walang pakundangang akusasyon.

Pinayuhan pa ni Velasco si Parlade na maging maingat at sigurado sa mga ilalabas na pahayag laban sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan dahil hindi katanggap-tanggap para sa katulad niyang opisyal ang mag-akusa ng wala pang sapat na ebidensya.

Maging sa mga artistang naghayag lamang ng saloobin sa kanilang mga adbokasiya ay hindi na rin naiwasan ng Speaker na mabahala sa pag-uugnay sa mga ito sa terorista.

Dagdag ni Velasco, kung may sapat aniyang ebidensya ay dalhin ito sa korte at huwag sa media.

Facebook Comments